Friday, June 27, 2008

We need YOUR help! click!!!

please help greenpeace.. it only takes one click!


madali lang naman mag-click ng mga link eh..kaya piliin nyo nang pindutin ang mga link na makabuluhan.. so PLEASE PLEASE PLEASE help us save our activists..

if you want to know more about greenpeace, visit their site and sign up..


oo nga, i love japan..but eating endangered species or selling them for profit is definitely NOT for me..


at kung taga-pinas ka, isulat mo talaga Philippines ha..para makatanggap ka ng updates ng events ng greenpeace dito..

STOP the COAL, SAVE the CLIMATE

Sunday, June 22, 2008

sa wakas!



binigay na ng auntie namin ang digicam niya sa amin ng kapatid ko kasi bumili siya ng bago..



syempre ginamit namin agad!! so happy..so so happy oh yeh!! ehehehehehe nyuu!!!!


sa sobrang tuwa ko hinila ko agad ang aking kawawang kapatid para mag-photoshoot.. ahehehe..


gagamitin ko rin ang blog post na ito as an opportunity to make yabang to our electric guitar oh yeh!!



i am a hero and this is my guitar..*actually, my father's the hero and this is his guitar..hehehe*


Thursday, June 12, 2008

naalala ko lang at ni-repost

ang maliligayang araw ng kabataan ko.


hahaay..4th year college na talaga ako. wala nang atrasan pa.

namimiss ko na talaga ang workshop.. alala ko pa.. bibili ako ng coke.. tapos yung baso, ginagamit kong lalagyan ng oil o di kaya tubig, depende sa gagawin namin nung araw na yun..

sa visual ko nalaman na matutunaw at mabubutas pala ang plastic na baso ng coke pag lalagyan mo ito ng gas..


sa visual arts room ako natutong mag-floorwax:
1. walisin ang sahig gamit ang walis tingting.

2. punasan ng gas ang sahig bago lagyan ng floorwax.
3. lagyan ng red dye wax.
4. lagyan ng clear wax.
5. patuyuin.
6. kuskusin ng mabuti hanggang ikaw mismo ay madulas habang kinukuskos ang sahig.
7. para enjoy, kuskusing mabuti ang sahig sa may pintuan.
8. pagtawanan ang unang tao na madudulas sa sahig pagkapasok na pagkapasok sa classroom.


sa visual arts room ko rin nalaman na hindi ka pala dapat magbuhat ng isang baldeng tubig pababa ng hagdan lalung-lalo na kung bagong floorwax pa lang ito..

sa visual ko nakilala ang mga taong hinding-hindi ko makakalimutan kahit magka-alzheimer's pa ako..

peksman.


habang pumipinta, may kasabay nang bonding.. kwentuhan kami tungkol sa mga problema o mga pangyayari sa buhay namin..

minsan, maglalaro yung iba..

minsan, kakanta kanta o di kaya'y sasayaw at kakanta habang pumipinta..



yung iba naman, pag tinatamad, uupo sa sulok at matutulog sa banig gamit ang unan ni mam glecy na gawa sa plastic na pinuno ng mga candy wrapper,,

minsan naman, tahimik lang kaming pumipinta..
pero ang katahimikang yun ay isang komportableng katahimikan..



sa mga panahon na tahimik lang kami, ang mga utak naman namin ang nagba-bonding.. at dahil dito, dahan dahan kaming natuto kung pa'no basahin ang iniisip ng isa't-isa..


ang visual arts room ay heaven para sa akin..


kahit ga'no pa kagrabe ang nangyari sa akin sa araw na yun, pupunta lang ako sa visual room, bubuksan ang radyo, uupo sa banig, papanoorin ang mga taong dumadaan, at titingnan ang mga ipininta ng aking mga kaibigan..



ang visual arts room ay heaven para sa akin..



hahaay..