Saturday, November 29, 2008

ah yes

ngayong araw ay ang last day ng 3rd week ko sa staff nursing sa San Lorenzo ward ng San Pedro Hospital.
7am to 3pm ang shift ko ngayon.

nagpapasalamat ako na wala masyadong toxic patients at super dami ng students.. haha...no stress..hehe

natutuwa rin ako at medyo close na kami ng mga kasabay namin na head nursing...si Vera, Cherry, at ang aking partner na si Ryan..

natapos ang shift.umuwi ako ng bahay at nagpahinga..naligo na rin at nag-antay ng oras.
binasa ko muna yung napaka-astig na librong pinahiram sa akin ni kevin..SKULDUGGERY PLEASANT..

nung 5:30pm na. nagtext na si dominic at mario na nasa mall na raw sila..
hehehehe..

nanglibre si dominic sa dimsum diner..spare ribs rice sa kanya, beef brisket kay mario at wanton noodles naman sa akin.

nagkwentuhan kami..lumibot sa mall..nanood ng BOLT..ang cute nung movie..nakita ko sina momo, jay-jay, rob, alain, dichi, sam, gian, at yung iba pa sa sinehan..

umikot uli kami sa mall hanggang 10:30 pmhinatid ako ni mario at dominic pauwi.
pagod ako pero masayang masaya..
hehe..

Monday, November 24, 2008

highschool blues




miss ko na si dominic at mario.
ano na kaya ang nangyayari sa buhay nila ngayon?
huli kaming nagkasamang tatlo ay nung summer..

hindi kami masyado nakapag-catch up sa mga bagay-bagay..
hahay..



araw araw nung highschool, kasama ko sila. sa carenderia ni aling babe's kami kumakain..
yung beef ang order ko palagi, o di kaya chicken curry.. tapos coke..

wala lang..miss na miss ko na sila eh.
di na kami nagkita uli..
kumusta na kaya sila?
marami pa naman akong gustong sabihin sa kanila..
oo nga, pwede ko naman sana sila i-text..
pero iba pa rin kasi yung nandyan talaga sila..



napapaisip lang ako ng mga ganitong bagay kasi birthday ni dominic ngayon..

at after 4 months eh
ga-graduate na kami ni mario ng nursing.

kung bibilangin pala kung ilang taon na kaming magkaibigan ng dalawang yun eh halos 8 years na.

mula 1st year hanggang matapos ang highschool eh magkasama na kami.

may mga di pagkakaunawan sa gitna pero nalusutan pa rin namin..

haay..ang tanda ko na..


haay mario..musta na? may crush ka na bang bago? chinita na chubby na naman no!? mas cute pa rin akoah!


haay domz ..pumayat ka kaya uli? tapos na ba thesis mo? nanonood ka ba ng heroes?


haay ira..ba't ang busy busy mo? diba ang graduating relaxed na dapat? may boypren ka na no!?