Wednesday, March 12, 2008

of death and breast masses




it's been a while since my last post and boy, do i have a LOT of new experiences in the hospital to share!!

sa operating room at emergency room na naman kami ngayon at feel na feel ko na talaga ang pagiging hospital worker..

bohaha..

feeling surgeon ako nung isang araw nung nagtanggal ng bukol sa boobs plus biopsy si dr. encarnacion.. biro nyo ako ang pina-retract niya nung organ tsaka pina explore explore sa inner boob nung babaeng inoperahan niya?! yeh! usually kasi taga-pasa lang ng instruments ang trabaho namin pero dahil yata sa kakulitan ko nag-give in na si doc.. yeh!

someday, i'll be a surgeon..wee!

feeling ER personnel naman ako nung nagkaroon ng code blue sa emergency room.. yeh! pinaCPR ako, people!! CPR!! yeh!

kaso lang, namatay yung patient..kasalanan ko kaya? -_-

dalawang buwan lang ang nakalipas pero nakakita na ako ng tatlong taong namatay sa harapan ko.. with all the hospital drama included.. flat line sa cardiac monitor [with the *toot sound included], defibrillation na may kasama pang sparks sa dibdib nung taong basa pala ang chest.. at halos dalawang dosenang epinephrine na sinasaksak sa mga kawawang taong naghihingalo..


napa-blog ako ngayon kasi ngayon nangyari ang ikatlong kamatayan at ako ang isa sa mga nag-ayos ng bangkay at naghatid nito sa morgue..

amazing.

1 comment:

anton said...

amazing gyud.. to deal with those deaths, and not to think the "i'm responsible," feeling, is really amazing.. sayang di ko tinuloy ang nursing, ma experience ko sana yan, heheheh...