Wednesday, April 29, 2009
-_-
Friday, April 24, 2009
Stagnation Damnation
wala na akong ginagawa!!
kelangan ko ng "excitement" kumbaga..
wala pa talaga akong pera ngayon, kaya di ako maka-alis ng bahay..
shet.
hmm..
2:55am na at gising na gising pa rin ako.
sige.. iku-kwento ko na lang lahat ng ginawa ko sa araw na ito. ok?
nagising ako mga 10:30am yata.. badtrip na naman ako kasi masakit ulo ko. tapos orange pa talaga yung kurtina namin sa kwarto so imagine niyo na lang kung gan'o ka pangit ng gising ko.
pagbaba ko, naubusan na ako ng ulam. sabi ni mama.. "magcereals ka na lang.." eh kaso, ayoko ng muesli at honeystars eh kaya nag-nesvita na lang ako..
tapos yung ginawa ko after nun, di ko na maalala.. ang sunod ko lang na maalala ay nung kumain na ako ng lunch.. so breakfast ko 11.. tapos naglunch ako 1pm..
ininit ko yung liempo sa ref.. tapos nilamon ko talaga lahat ng pagkain na yun..
nakatulala lang ako..
meron akong naramdamang kakaiba..
pagkatapos nun, lumobo ang cheeks ko..
dumiretso ako sa lababo..
at sumuka ng bonggang-bongga..
sumuka ako ng 2 cups of rice, isang sachet ng nesvita classic flavor, at 3 hersheys dark kisses.
as in dire-diretsong suka.. wala ngang sound effects eh..
parang gripo lang..
ok.
kadiri.
pagkatapos nun, nag-blank na naman utak ko.. wala na naman ako maalala after that.
umuwi sila mama mga 4pm yata..
ah oo.. naglaro nga lang pala ako ng cooking dash pagkatapos ko sumuka..
so umuwi na sila mama 4pm no.. pinagalitan niya ako kasi ba't di ako naghugas ng pinggan tsaka ba't di ko inayos yung mga damit.. (pasok sa tenga, labas sa kabila..hehe)
tapos umalis tita ko tsaka si mama nagpamassage..
tapos nag-dinner na kami..
medyo nagalinlangan akong kumain uli kasi medyo nahihilo pa rin ako.. pero.. GO!!
glass noodles yung ulam namin.. .masarap..pero tatlong subo lang ang nakayanan ko..
pagkatapos nun, umakyat ako sa kwarto para maka-iwas sa gulo..
nag-gitara gitara ng konti.. tapos nung naubusan na ako ng mga songs, nanood ako TV..
tapos.. eto..
nagiinternet na naman..
sabi ng erpat ko, yung iniipit daw ni angel locsin sa kilikili niya dun sa commercial ng Rexona ay Pringles..hehe..
yung sa "ligo lang", onion flavor daw kasi nag-iiba kulay..
tapos yung sa "with rexona" ano.. classic flavor..
Tuesday, April 14, 2009
Kaming tatlo.. ang pagbabalik!
Ngayong araw, tuwang-tuwa ako. Sa wakas, nagkita kaming muli ni Mario at Dominic.
Na-miss ko talaga ang dalawang mokong na 'to.. hehe..
Nagkita kami sa NCCC mall at kumain muna ng takoyaki. Nag-update rin nga pala kami tungkol sa aming mga buhay-buhay.
Wala talagang nagbago. Graduate na kami ni Mario pero parang second year high school pa rin.
Haay.. Nagpapasalamat talaga ako na magkaibigan pa rin kaming tatlo.. Grabe. Walong taon na rin kaming nagsasama ha..!
Mahal na Mahal ko talaga Ang dalawang yun at kahit ano man ang mangyari, mamahalin ko pa rin sila.
Sheesh. Foodtrip to the max talaga kaming tatlo. Kainis nga lang kasi yung mga kasabay ko puro payatot.. wahaaa!! Hehe..
Kakahiya kumain.
So, nag-takoyaki kami, diba? Pagkatapos nun, lakad-lakad muna sa mall para medyo matunawan.. nakasalubong namin si Sr. Elle, teacher namin dati as Aral. Pan..
Tapos nakita nila yung CI ko na hot.. hehe.. silang dalawa ay "nalibog".. hahaaaaa!!
Tapos tumuloy kami sa Banok's sa may People's Park.. KAIN NA NAMAN!!! WAHAA!!
Nag-extra rice pa talaga ako.. grabe! Goodluck na lang sa jebs ko mamaya.. haha..
Tapos siyempre, kelangan na namang i-digest yung barbeque so lumibot naman kami sa People's Park.. hehe.
Chika-chika na naman kami.. hehe.. nakasalubong namin si Ronmar..
Todo photo ops din kami.. ginamit naming tripod yung mga trashcan.. hahay.. bliss.
Nung naubusan na kami ng lilibutan sa People's Park, dumiretso kami sa G-mik para magkaraoke up to sawa.. grabe. Napaos yata ako dun.
Lonely Hearts Club ang naging itsura namin.. wahaaa!!!
<--we are lonely and we have hearts.. <3
Puro heartbreak sawi songs ang tinira namin.. tuwang-tuwa naman ako..hehe..
Katagalan, na-exhaust na rin kami.. kaya yun, naglakad na naman kami.
Tapos.. hulaan niyo kung ano na naman ginawa namin..
Yeh!
Kumain uli!! Wahaa!!
Nag-Basti's kami at umorder ng pizza.. yung sizzling gambas hot spicy pizza.. hindi pala understatement yung title nung pizza..
HANG HANGHANG talagaaaH!! Hooh..
May hangganan rin naman ang mga stomach namin kaya't umuwi na kami.
Sinabayan nila ako na maglakad pauwi at hinatid nila ako sa bahay.
Tapos sinamahan ko rin sila habang nag-aantay ng taxi.. haha.
Yey.
<--sa dulo ng maselang bahagharing ito ay matatagpuan ang mga leprechaun na mahilig mag-casino. VIP sila.
I am happy. Period.
Have a happy period! ^^
Sunday, April 5, 2009
Abangan ang Susunod na Kabanata
Hello people. And hello worlds!! Greetings.
Medyo matagal-tagal na rin akong nawala dito sa blog world.
Hmm.. so far medyo marami na rin akong "new experiences" na hindi na blog.. kakatamad ikwento..
Oo nga pala. Kaka-graduate ko lang..
hahay..di ko feel.. parang wala lang..
Tulog ang erpat ko buong graduation..ako naman nag-sounds lang..
Hahay.. don't get me wrong.. Masaya ako na naka-graduate na ako..
Pero wala kasi akong naramdaman.. akala ko na pag-gising ko may parang "feeling" ako na
Mararamdaman..
Kaya lang..wala eh!! Haha..
Tapos nakuha ko na rin pala ang professional nursing pin ko.. hmm.. wala Lang rin.. 0_o
Ang naalala ko Lang sa araw na yun ay Ang pain... ANG SAKIT NG PAA KO!!!
Lecheng heels.. T_T