Ngayong araw, tuwang-tuwa ako. Sa wakas, nagkita kaming muli ni Mario at Dominic.
Na-miss ko talaga ang dalawang mokong na 'to.. hehe..
Nagkita kami sa NCCC mall at kumain muna ng takoyaki. Nag-update rin nga pala kami tungkol sa aming mga buhay-buhay.
Wala talagang nagbago. Graduate na kami ni Mario pero parang second year high school pa rin.
Haay.. Nagpapasalamat talaga ako na magkaibigan pa rin kaming tatlo.. Grabe. Walong taon na rin kaming nagsasama ha..!
Mahal na Mahal ko talaga Ang dalawang yun at kahit ano man ang mangyari, mamahalin ko pa rin sila.
Sheesh. Foodtrip to the max talaga kaming tatlo. Kainis nga lang kasi yung mga kasabay ko puro payatot.. wahaaa!! Hehe..
Kakahiya kumain.
So, nag-takoyaki kami, diba? Pagkatapos nun, lakad-lakad muna sa mall para medyo matunawan.. nakasalubong namin si Sr. Elle, teacher namin dati as Aral. Pan..
Tapos nakita nila yung CI ko na hot.. hehe.. silang dalawa ay "nalibog".. hahaaaaa!!
Tapos tumuloy kami sa Banok's sa may People's Park.. KAIN NA NAMAN!!! WAHAA!!
Nag-extra rice pa talaga ako.. grabe! Goodluck na lang sa jebs ko mamaya.. haha..
Tapos siyempre, kelangan na namang i-digest yung barbeque so lumibot naman kami sa People's Park.. hehe.
Chika-chika na naman kami.. hehe.. nakasalubong namin si Ronmar..
Todo photo ops din kami.. ginamit naming tripod yung mga trashcan.. hahay.. bliss.
Nung naubusan na kami ng lilibutan sa People's Park, dumiretso kami sa G-mik para magkaraoke up to sawa.. grabe. Napaos yata ako dun.
Lonely Hearts Club ang naging itsura namin.. wahaaa!!!
<--we are lonely and we have hearts.. <3
Puro heartbreak sawi songs ang tinira namin.. tuwang-tuwa naman ako..hehe..
Katagalan, na-exhaust na rin kami.. kaya yun, naglakad na naman kami.
Tapos.. hulaan niyo kung ano na naman ginawa namin..
Yeh!
Kumain uli!! Wahaa!!
Nag-Basti's kami at umorder ng pizza.. yung sizzling gambas hot spicy pizza.. hindi pala understatement yung title nung pizza..
HANG HANGHANG talagaaaH!! Hooh..
May hangganan rin naman ang mga stomach namin kaya't umuwi na kami.
Sinabayan nila ako na maglakad pauwi at hinatid nila ako sa bahay.
Tapos sinamahan ko rin sila habang nag-aantay ng taxi.. haha.
Yey.
<--sa dulo ng maselang bahagharing ito ay matatagpuan ang mga leprechaun na mahilig mag-casino. VIP sila.
I am happy. Period.
Have a happy period! ^^
No comments:
Post a Comment